Sabado, Hulyo 2, 2016

Artikulo

KUMUNIKASYON Unang una, para sa ating mga Pilipino ay ang wikang Filipino ang dapat natin pahalagahan. Ito ang tanging paraan ng berbal na komunikasyon upang magkakaintindihan tayong mag Pilipino. Sa ating kultura, ito'y mahalaga dahil nabibilang ito sa mga bagay na maipagmamalaki nating mga Pilipino. Ang mga bagay na naibanggit ko lamang ay kabilang lang sa mga pasimula ng artikulong tungkol sa Wika. Ang Komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na "Communis" na nangangahulugan na karaniwan o panlahat. Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalsang ginagawa sa pamamagitan ng mga karaniwang simbolo. Ayon kay Judee Burgoon, isang Propesor ng Komunikasyon sa Pamantasan ng Arizona sa Estados Unidos, ang komunikasyon raw ay isang simbolikong gawi ng dalawa (2) o higit pang tao.Ayon naman kay Atienza, ang komunikasyon raw ay maka-agham at maka-sining sapagkat ito ay may sinusunod na mga proseso at teknik. Batay naman sa depinisyon ni Saundra Hybels,isang manunulat, ang komunikasyon raw ay isang proseso ng pagtatransmit ng signal. Sa pananaw naman ni Webster, ang komunikasyon raw ang pagpapahayag, pagpapabatid, o pagbibigay ng impormasyon. Ayon naman kay Clarence Barnhart, ang sumulat ng "American College Dictionary", ang komunikasyon raw isang pagpapahayag, sa pamamagitan ng pagsenyas, pagsulat at pagsalita. May pitong (7) antas ang Komunikasyon, at ito ay ang mga sumusunod : -Intrapersonal na Komunikasyon -Interpersonal na Komunikasyon -Komunikasyong Pang-maliit na Grupo -Interkultural na Komunikasyon "-One-to-Group" na Komunikasyon -Pangkaunlarang Komunikasyon -Pangmasang Komunikasyon May anim (6) na elemento na nakakaapekto sa proseso ng komunikasyon, at ito ang mga sumusunod: -Pinanggalingan ng Mensahe -Mensahe -Tagatanggap -Tugon/Pidbak -Sagabal -Kontext
May dalawang (2) uri ang komunikasyon — BERBAL NA KOMUNIKASYON at DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON Ang Berbal na Komunikasyon ay isang pormal o intelektwalisadong pamamaraan ng komunikasyon na gumamagamit ng mga istruktura ng wika.Tuntuninin nito na ipahayag ang mensaheng nais ipaabot sa pamamaraang pasulat o pasalita. Ang Di-Berbal na Komunikasyon naman ay isang uri ng Komunikasyon na gumagamit ng kilos o galaw ng katawan sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay karaniwang gumagamit ng mga sumusunod na kaanyuan sa pagpapa-abot ng mensahe : -Kinesika o Galaw ng Katawan -Proksemika o Espasyo -Pandama o Paghawak -Paralanguage o Paraan ng Pagbigkas -Katahimikan -Kapaligiran -Simbolo -Kulay